Sunday, June 29, 2008

that's a Pac!

Sa muli ipinamalas ni Manny Pacquiao ang lakas at talino ng isang boksingero, totoong malaking pinagbago ng pambansang kamao, sa diskarte ng kanyang istilo ngayon hindi gaya ng dati na banat lang banat puro lakas ang gamit at ang kanyang kaliwa ng sadyang mapaminsala sa kalaban sa ibabaw ng ring, ngunit sa mga nagdaang mga laban nya mula kay Barerra, Morales, Marquez ngayon Diaz, ipinakita nya sa mga ito na hindi lang kaliwa ang pamatay ika nga kundi meron na rin sa syang panggulat sa kanan, kaya kung ikaw ang kalaban ni Pacman hindi mo malalaman kung saan manggagaling ang suntok na bibitiwan nya, at ito'y nakuha nya sa pamamagitan ng matyagang pageensayo isa sya sa nasabing masipag at disiplinado pagdating sa pag eensayo known in boxing world. Sa isang cinema dito sa SM Fairview napanood ko ang kakaibang kapaligiran sa mga kababayan natin sa pagsuporta sa Pambansang kamao, masaya ang feeling at may kaba na kakaiba kasi iba talaga ang paligid mo maingay at akala mo nasa totoong laban ka sa Las Vegas, haha palibhasa first time kaya kakaiba ang damdamin, nandyan ang ibat ibang mga komento ng mga kasama mo sa paligid na puro positibo para sa kababayan, nandyan din ang kakaibang damdamin ng sabay sabay kaming tumayo para sa pagbibigay galang sa pambansang awit ! nakita ko na pwede rin tyong magkaisa kahit sa sandaling pagkakataon, tsk tsk..gayun pa man ang lahat ay masaya. Makikita din natin kay David Diaz na isa syang maginoo sport ika nga. At isa pa sa mga magandang pangyayari ay ang katuparan ng hiling ni Manny na makita nya ang kanyang hinahangaan na NBA 2008 world champion Boston Celtics, kasama nya sa picture ang video taking na may chanting mula sa koponan na pinangungunahan nila Paul Pierce, Kevin Garnett, Rey Allen, Rondo at iba pa!Boxing idol Pacquiao turns into a rabid Celtics fan kasi kung ating mapapansin ay pwede nating ikumpara sa labang Celtics at Lakers kung paano tinambakan ng Celts ang LA, ako gaya nga ng sinabi ko sa iba kong weblog ay isa akong all the way Lakers fan, haha talagang ganun eh medyo nalihis lang ang koponan ko. hahaha pero nung nakita ko ang Celts sa tabi ni Manny kanina nasiyahan na rin ako, biruin mo nga naman Celtics team magcha chant sa pangalang Manny ! Manny! Manny! hehe malaki siguro ang pusta ng grupo para kay pacman! ako wala akong malaking pusta ngayon medyo mahirap ang partida ng hinihingi ng kalaban para kay Diaz! haha kaya naisip ko manood na lng ng live telecast sa PPV, kasama ko ang aking bro. inlaws na isa ring tagahanga sa mga magagaling na boxer, "for the boys" ika nga ang lakad namin kanina, after the fight we go to a fine food chain and as usual namili ng bahagya para pagkain for the week, bukas pasok uli back to normal ika nga, maraming assignments and the search is not yet over! hahaha pano mga kasama hanggang sa muli...salamat!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home

Proudly Pinoy!
pa rin!
DuckDuckGo logo
DuckDuckGo is a search engine that protects privacy and has lots of features.
The next version of Ubuntu is coming soon Firefox Download Button Work <span>for</span> Mozilla