Thursday, June 12, 2008

kalayaan sa ...


Malayang pagbati!! Ika-12 ng Hunyo araw ng ating kalayaan, isa sa legal na "holiday" sa ating bansa ayon na rin sa saligang batas. Tiniyak ng Malakanyang na may magaganap na selebrasyon sa pag gunita at pagsaalaala sa mga bayaning nakipaglaban sa dayuhang mananakop, mga kasaysayang sinasariwa natin sa t'wing sasapit ang araw na ito. Dahilang sa katapangang ipinamalas ng ating mga bayani natamo't nakamtan natin ang ating kalayaan. Naging ganap na sarili natin ang ating bayan, napaunlad at pinagyaman ang likas na yaman, kinilala tyo sa Asya noon bilang isa sa maunlad at lumalago pagdating sa ekonomiya, kahilera ng bansang Japan at maaaring nauuna pa noong dekada 60 ayon na rin sa estatistika at kasaysayan. Sa paglipas ng panahon sa kalagayan natin ngayon ano ang sa tingin mo ang lagay ng ating bayan? Gawa ng pagpasok ng malayang kalakalan o globalisasyon bumagsak ang ating ekonomiya at hindi naproktektahan ating sariling produkto at malaking kalugihan sa mamumuhunan at sa hanay ng manggagawa. Talamak na korapsyon bulok na sistema at paglobo ng ating populasyon na isa sa naging sanhi ng kahirapan, dumami ang nawalan ng hanapbuhay, hindi nakapagaral,ang mahihirap ay lalong naghihirap..Ang ating mga hinirang na namumuno ay sila rin ang nagaaway away at naghihilaan pababa. Ang malungkot dito ay hanggang selebrasyon na lang ang ating ganap na kalayaan, ngunit sa paglaya sa kahirapan kailan kaya magaganap? Sa tingin mo kung nabubuhay pa ang ating mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayang ipinaglaban, magagalak kaya sila kapag nakita nilang ating bayan ay sadlak sa kahirapan? Ang tunay na kalayaang hinahangad natin minsan na nating nakamtan sana sa paglipas pa ng panahon ay makamtan na natin ang ating paglaya laban sa kahirapan.RP still a long way from freedom--SC’s Puno

balitang basketball
buti pa nood na lang uli tyo ng basketball bukas game # 4 between the Lakers and Celtics..Celtics hope to bounce back as Lakers try to pull even


Hunyo 12, 2010
Isa sa maaring maipasa agad agaran sa kamara ng bagong gobyerno sa pamamahala ng Pangulong Noynoy Aquino ang ilang beses ng naunsyami at ibinibitin na batas na maaring lumaban sa korapsyon ay ang Freedom of Information (FOI) na kung saan ay may access ang mamamayan sa lahat ng transaksyon ng mga representante,'transparent' sa mga proyekto at ibang gawaing kapakipakinabang sa mamamayan. Sa papamagitan nito (FOI) ay malayang nakakasuri kung tapat at walang halong korapsyon ang nagaganap sa mga gastusing ibinigay sa pamamagitan ng "pork barrel".

Nagkataon namang ang huling post ko nitong blog na ito,dalawang taon na ang nakakalipas ay siya ring laban ng Lakers Vs. Celtics. Ang tinaguriang historic rivalry sa balat ng basketball. Boston Celtics nakatabla na sa serye sa kartadang 2-2 (grrrr hehehe ayaw gumana ng link, mali yata ang naisaksak na code) di bale aaysusin ko n lng uli...

"Huwag daw nating isipin kung ano ang magagawa ng ating bayan para sa atin, bagkus kung ano ang magagawa natin sa ating bayan."
simple ang sagot ang magagawa natin sa ating bayan ay pugsain lahat ng magnanakaw na nakaupo! at sa muli magkaisa na tayo."

Maraming Salamat po. Mabuhay po kayo!






0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home

Proudly Pinoy!
pa rin!
DuckDuckGo logo
DuckDuckGo is a search engine that protects privacy and has lots of features.
The next version of Ubuntu is coming soon Firefox Download Button Work <span>for</span> Mozilla