Thursday, May 15, 2008

kahit sinong naupo o umupo? ...

isang malaking kalokohan ang nangyayari sa bansa sa ngayon, sa totoo lang lahat na sila ay puro na magagaling, kahit noon pa naman eh, ang tanong san magaling? hindi kailangan ime-memorize yan ika nga, nagkakalabuan na ang usapan tungkol sa ZTE deal, papalayo na ang isyu, natungo na sa kung ang pangulo kung totoo bang nagkaroon sya ng "private meeting" sa China, ang tanong eh ano naman, "no bearing" e bakit nga ba ngayon na naman lumabas yan? hehe..hindi ko na babanggitin ang iba pa huh gaya ng sa kuryente, langis,atbp.. mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin,sa totoo lang meron at inabot din ung iba at kasama na rin ang mayayaman na dapat ay sa kinauukulan lang ang punta ng tulong na para sa mga mahihirap nating mga kababayan, ano ang dahilan? silang may hawak ng pamamalakad ang nangunguna sa pangungupit sa simula na sa pagnanakaw ang uwi. Isang bulok na sistema ang nagaganap sa atin bansa sanhi ng katiwalian at kurapsyon mula sa mababang posisyon hanggang sa itaas. Marami tayong matatalino't totoong magagaling na pinuno na gumagawa ng maayos at mahusay sa kanyang sinasakupan ngunit sadya na yatang tayong mga kababayan at mga kasama ang naghihilaan sa bawat isa para lamang sa salitang demokrasya na kailangan makita ng bawat isa na sila ay totoong makabayan, ang katotohanan ay ang naturang posisyon lamang ang pakay o kaya naman dahil nautusan lang na manira dahil na rin sa isang pabor mula sa kabilang panig na ibig lamang maghasik ng paninira (bagay na normal na lang na nangyayari). Mga pamamalakad na kailan man ay tila hindi na natin natutunan mula sa mga pagkakamali na sa totoo lang noon pa man ay naranasan na at napagdaanan na bakit hanggang ngayon ay sakit pa rin natin, ano ba ? kanser na nga ba ? nakakahilo at nakakainis nang pakinggan at ang ganitong mga komento sa araw-araw na maririnig natin sa ating mga kababayan lalo na ang nasa kahirapan, kung ang mga mayayaman at yung nasa middle class ay dumadaing pano pa ang wala na talaga? anong sanhi nito ? makikita naman natin eh, pagtaas ng krimen! pagdami ng mababait kunwari dahil ang pakay ay ang lokohin ka rin, aray! patay tayo jan, maaring halos puro negativo ang nasasabi ng blog na ito, at inyong abang lingkod ay wala ring magagawa pagkat akoy nakamasid lang din at walang ibang kapangyarihan kundi ang sumulat at lumikha ng blog na gaya nito. Maaring isang magandang libangan ang gawaing ganito lalot natutunan at maaring makatulong na rin sa lahat at sa akin bilang isang mamamayang naghahangad lang din ng tunay na pagbabago. Ito ang aking unang nilikhang blog naway maibigan at sana nagkaroon ng kabuluhan ang mga salitang lumabas. Salamat ..

I wish and maybe that I can do and create a blog stated in English topic about anything happening under the same sun..(parang kanta lang huh) thats plain and simple everytime..:) thanks a lot !




Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home

Proudly Pinoy!
pa rin!
DuckDuckGo logo
DuckDuckGo is a search engine that protects privacy and has lots of features.
The next version of Ubuntu is coming soon Firefox Download Button Work <span>for</span> Mozilla